"KATOTOHANANG HINDI MAITATAGO"
Sa pagbilang
ko ng Isa, Dalawa, Tatlo,
Laging may
karampatang pagkanibugho.
Noong una pa
lamang ay nasaktan na ako,
Pakinggan ang
aking pagsasalaysay rito.
Hindi ko na
matiyak ang petsa kung kailan,
Noong una
akong nagpaalam sayo tungkol saan? Saan?
Sa pagmamahal
na aking nararamdaman,
Sa pagmamahal
na hindi ko itinago magpakailanman,
Sa pagmamahal
na sa iyo ko lamang inilaan.
Ngunit natural
lamang hindi ba?
Hindi sa lahat
ng panahon masusunod ang ating gusto,
Hindi sa lahat
ng panahon pwedeng maayon sa kung ano ang ating ginusto,
Dahil minsan,
may mga bagay-bagay na magdadala sa atin sa ating pagkatuto.
Oo, natuto
ako.
Sa aking mga
pagkakamali,
Biglaang
lumabas sa aking mga labi at nasambit ko ang mga katagang
"ITIGIL
MO NA ITO!"
Isa sa mga
kahibangang halos ihatid na ako sa umpisa,
Sa umpisa ng
sukdulang pagka-alipin sa mga pagsubok na naranasan ko.
Gusto kong
mapag-isa,
Ayoko ng
kasama.
Ako marahil
nanghihina na.
Ni hindi ko
nga napansin na ako'y nanlalamig na pala,
Baka dahil isa
ito sa dahilan ng aking pagka-dapa?
At hindi agad
nakabangon sa aking pagkakalata.
OO! IKAW
NGA!
Ikaw ang
tinutukoy ko sa aking piyesa.
Hindi man
literal pero ang dahilan ay sa iyong desisyon nagmula.
Pinagmulan ng
pananaw ko sa pagbabago ng pag-ibig na kanilang tinatawag.
Dahil mula
noon,
Ang aking
pagkagalak ay napalitan ng pagtatago, pananahimik at pananatili sa isang sulok
At hinayaang
lamunin ako ng likidong lumalabas sa aking mga mata'y pumapatak.
Ilang buwan
din yun kung aking bibilangin.
At sa bawat
pagdaan ng araw na ika'y aking makitang kasama siya ay may halong kurot sa
damdamin.
Totoo pala ang
tinatawag nilang tuyo ng damdamin.
Oo, halos
matuyuan na ako ng puso noon.
Ni hindi ko na
nga kayang sumunod sa utos sa tuwing ako'y pabibilhin.
Kahit paghawak
ng manibela ayaw ko ng gawin.
Palibhasa'y
takot ako sa dilim.
Na sa sobrang
liwanag, kasama ng nilamon ang aking damdamin.
At kahit pa
anong ipikit ko sa mga mata ko, ika'y nakikita pa rin.
Ugghhh!
Sumasabay pa ang diablong animo'y may dala-dalang gariton
Lulan ang
isang batang iyakin.
Halos itulak
na ako sa maningning at mapang-akit na galamay ng maling gawain.
Mabuti nalang
at ako'y naisipan nilang dalawin,
Hanggang sa
ako'y nahimasmasan sa aking pagkalasing,
At sa kamay ng
diablo ako ay bawiin.
Sa
pagpapatuloy ng aking mga pagbibilang,
Kalakip na
rito ang mga pagpapanata,
Paghingi ng
tawad sa aking mga nagawang pagkakasala.
Unti-unti ring
nanumbalik ang aking tibay at sigla,
Sa aking mga
pagtupad ako'y nakapagpapatuloy pa.
At hindi ko
ulit namalayan, ang pagmamahal ko sa iyo ay bumabalik na.
Hindi talaga
ako mahilig magtanong,
Kaya nga
nagtatakaka ako kung paano aking labi nagpasya,
Ilabas at
ilathala ang mga tanong na "BAKIT NGA BA?"
Muli tumulo
ang aking mga luha.
Kapalit nito
ang mga sagot na hindi ko inakala.
At pumasok rin
sa isip ko na,
"OO
NGA, KAYTAGAL KO RIN PALANG NAWALA."
Daig ko pa ang
inosente sa bawat linya na ating dinaraanan.
Punas pasimple
rin ang aking patagong ginagawa,
Habang
sinasalubong ang ilaw ng tadhana.
Teka
nga, TADHANA nga ba na magkasama tayo noong gabing iyon?
O marahil ay
sinadya?
Sinadyang
pumunta't bumalik lulan ng dalawang gulong na bisikletang di-makina.
Dumaan ang ilang sandali, araw at gabi, tayo'y nagtagpo muli.
Ngunit atensiyon ng iba ating napukaw na para bang may ginagawang mali.
Hanggang dumating sa punto na ika'y aking tanungin,
"KAYA MO BA?"
Hindi mo ako sinagot bagkus tumalikod palayo sa akin.
Noong mga panahong iyon, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Tahimik, tulala, at umiiyak ng palihim.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit daig ko pa ang pumasan ng buong daigdig.
Siguro nga talaga noong mga oras na iyon, hindi pa rin kumukupas, nararamdaman sayo ng aking wasak na damdamin.
At sa hindi
inaasahang pagkakataon,
Ngunit di
naman kaila na tayo ay magkasama sa yaong panahon.
Oo, alam kong
ika'y nagpapatulong lamang sa iyong mga gawain noon.
Ngunit ang
hindi ko alam ay kung paano ang labi ko ay naidampi sa'yo,
At nabigkas
ang mga katagang "IKA'Y MAHAL KO".
Bagaman mali,
ngunit kung ating susumahin ay tama naman,
Tama ang
nararamdaman ko para sa iyo.
Walang dudang
noong araw na iyon, ako ay handa ng humarap sa iyo.
Hindi bilang
kaibigan kundi higit pa nga dito.
Handa ko na
ring harapin ang hamon ng mga mapang-usig na nakapalibot.
Sa harapan ko
man ay kumatok ang takot,
Hindi pa rin
ako dito tatalikod.
Bagkus,
tatanggapin ko ang anumang sa akin ipatong.
Gaano man
kabigat ito, papasanin ko ng may lugod.
Dahil ang pagmamahal
ko sa iyo, walang pinipiling pagkakataon o anumang panahon.
Dahil itong
nararamdaman ko para sa iyo, ay hindi tulad ng bagyo,
Na darating o
aalis kung kailan nya man.
Kundi tulad ng
isang ibong malaya,
Na hindi
pumipili kung alam niyang siya'y masisilo.
Minsan din
dumarating yung mga oras na tayo ay hindi nagkakaintindihan.
Parang aso't
pusa kung tawagin nga naman.
Mga senaryong
sa akin nagpapahina at nag-aalis ng kapanatagan.
Nagdadala ng
takot at pag-iisip na baka ikaw sa aking pagkurap ay biglang mawala.
Napakahirap ng
mga ganoong pagtatala.
Minsan nga mas
gusto ko nalang maupo at hindi na magsalita.
Ngunit kung
bagabagin ako ng aking puso ay mas masakit pa pala.
Mas masakit
pala na hindi ka kibuin ng taong sa iyo'y nagpapasaya.
Saan ako lulugar?
Ah, alam ko
na.
Ipipikit ko
nalang ang aking mga mata at ako ay tatawag sa Kaniya ng,
"AMA,
KAYO NA PO ANG BAHALA."
Kasi nga
naman, KUNG TAYO, TAYO TALAGA.
Pero heto ako,
tayo, ako'y magtatanong muli.
Meron nga
bang TAYO?
Naalala ko,
"OO
NGA PALA, NAG-AAMBISYON LAMANG AKO."
Oo, ambisyon lamang, sa paningin ko, nila at ng kahit na sino.
Ni hindi mo
man nga maiisip na siya sa akin ay magkakagusto.
Isang tanong
para sa isang sagot na kailangang masagot lamang ng OO.
Dahil kung HINDI,
baka ito'y ikabaliw ko.
Pagkabaliw na
simula pa lamang noong una kitang makita ay hindi ko na maipagkakaila.
Pagkabaliw na
marahil ay hindi mo inaakala.
Pero heto ako
ngayon, takot na takot na ika'y mawala.
Pero sa aking
pagkabalisa, hindi naman nawawala ang aking tiwala na aking ipinagkatiwalang
pinaniniwalaan kong hindi niya ipagkakatiwala sa iba.
Dahil kung
ating iisipin,
Hindi ko lubos
maisip na maiisipan niyang ako ay mahalin.
Kaya naman
ngayon, kontento na ako na siya ang magiging sandalan ko, at katuwang sa
binubuong pangarap sa buhay ko.
Oo, kasama na
siya sa mga pangarap ko.
Kumbaga
sabihin na nating magiging katuwang sa pang-habambuhay na paglalakbay dito sa
mundo.
Kahit gaano pa
man kahirap ang aming estado,
NGAYON,
BUKAS, kahit
gaano pa ito ka-komplikado,
Basta MAHAL
NA MAHAL KO SIYA, yan lang ang masasabi ko.
Isang bagay
lang naman ang nais ko.
Yun ay ang
manindigan siya at mangako.
Mahirap
paniwalaan lalo na kung alam mong wala kang aasahan.
Ang kaso lang,
wala naman akong magagawa, siya ay aking mahal.
Isang sabi
niya nga lang, mga tuhod ko agad naniningalgal.
Oo, takot
ako. TAKOT NA TAKOT NA TAKOT na siya ay mawala sa piling ko.
Minsan nga
kapag umaalis siya, bigla nalang nagbabago pakiramdam ko.
Yung tipong
para bang bigla nalang siyang mawala kapag kumurap ako.
Hindi tila
isang bulalakaw, kundi isang tungkulin na sa isang pagkakamali mo lang ay
pwedeng mawala sa iyo.
Away-bati, away- bati, yan lagi ang aming senaryo.
Wala nga atang araw ng hindi nangyayari ang mga ito.
Kung bibilangin mo sa pitong araw ay meron kaming WALO.
Pero siyempre kapag dumarating ang mga pagkakataong ganito, ako agad ang
dumidistansiya ng anggulo.
At sa tuwing kami ay may tampo, sumasama ang pakiramdam ko.
Idagdag pa natin diyan ang lumbay kapag siya ay wala sa paningin ko.
Dala na nga lang siguro ito ng pagiging seloso.
Na kahit anong mga bagay na lamang ay napapansin ko.
Hindi ko alam pero ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
Marahil ramdam ko na sa hinaharap talaga ay SIYA at AKO.
At sa paglipas ng taon, ibat-ibang bagay nanaman ang pumapasok sa aking isip.
Ngunit ang lumbay na aking nadarama ay linalabanan kong pilit,
Kahit ang tukso sa akin pilit na lumalapit, walang dahilan para ako dito
maakit.
Bakit? Isa lamang ang ibig sabihin niyan, malakas ang pananampalataya
kong siya, aking makakamit.
Hanggang sa dumating ang oras na siya sa wakas ay handa na rin.
PS. Ang piyesang ito ay ginawa po ng taong matagal nang nagmamahal sa akin. :)
-Jin
Comments
Post a Comment