Queen Maria
Mabait? Mapagmahal? Masipag? Maganda? (Syempre naman)
Magaling magluto. HAHAHA! Nasa kanya na po ang lahat. Siya po ang lola ko.
Maria David ang kanyang pangalan. Siya po ang “nanay”
ng nanay ko. Sobrang galing nyang magluto. Gusto ko ngang makuha yung talento
nya sa pagluluto kaso hindi ako pinalad. Hahaha! Si lola ko na siguro yung lola
na hindi makakaalis ng bahay ng hindi naka'make up. Siya yung nag-aayos sa
aming mga apo nya tuwing recognition o graduation man. Tuwing may
okasyon naman, kahit na mang-utang siya, okay lang basta maipaghanda nya lang
kami. Kaya naman mahal na mahal namin siya.
July 11, 2016 biglang gumuho yung mundo ko. Summer
namin nun, nasa school ako. Noong araw na yun alam ko ipapacheck-up ka lang eh.
Madaling-araw nung nag-uusap pa kayo ni nanay. Narinig ko pa yung sinabi mo na "KASAKIT.
PARANG DUMADAAN SA BUTAS NG KARAYOM YUNG PAGHINGA KO". Pinipilit kana ni
nanay noon na magpunta na sa ospital, pero ayaw mo. Sabi mo 8am pa check-up mo,
maghihintay ka nalang. Sabi pa ni nanay, dalhin ka nalang sa CL pero tumanggi
ka. Alam naming lahat na inaalala mo yung gagastusin. Pero nung sinabi ni nanay
ko na sa TPH nalang pumayag ka kaagad. Ayaw ko nang pumasok noon eh
kasi gusto ko sumama sa check-up mo. Pero sinabi mo sa akin na uuwi ka din
kaagad. Pagdating ko sa school hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman
ko. Sobrang kinakabahan ako. Tapos biglang nagtext si ate Bey, nilagyan ka
nanaman daw ng tubo. Hindi ko sya nireplyan. Nagpray ako. "Ama,
kayo na po ang bahala sa lola ko." Tapos nakatanggap ako ulit ng text,
nirerevive ka nalang daw. Sabi mo sakin uuwi ka din kaagad diba? Pero hindi ko
inisip na iuuwi ka nilang wala ng buhay. Wala na, tumulo na luha ko. Kasakit lola. KASAKIT. </3 Kasabay ng
malakas na pagbuhos ng ulan ang pagkawala mo. 10am yun, tirik yung araw pero
umulan ng malakas.
Hanggang ngayon, kapag naaalala kita, masakit pa rin.
Pero masaya na ko kasi di kana nahihirapan. Namimiss na kita lola ko. Namimiss ko na mga luto mo.
Namimiss ko na mga kwento mo. Sobrang miss na miss kita. Darating din yung araw na muli tayong magkikita'kita.
Mahal na mahal kita!
-Jin
Comments
Post a Comment