Mi Amore
Pamilya? Sila ang mga
taong palaging nandyan para sa atin, sila ang unang huhubog sa pagkatao natin,
ang magtuturo sa atin ng tama sa mali, ang masasandalan kapag tayo ay mayroong
problema, higit sa lahat, sila ang taong magmamahal sa atin ng walang kapantay.
Heto po ang larawan ng aming pamilya.
Heto po ang larawan ng aming pamilya.
Hindi man kami mayaman sa
mga materyal na bagay, mayaman naman kami sa pagmamahal na ibinibigay ng aming
mga magulang. Oo, minsan nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan pero kaagad naman naming nalulutas ang mga suliraning bumabangon sa aming sambahayan. Sila po ang
pinaka'importanteng tao sa buhay ko. Kaya naman habang sila ay nabubuhay,
pinaparamdam at sinasabi ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal.
Nagpapasalamat ako ng marami sa ating Panginoong Diyos dahil sila ang ibinigay Niyang pamilya sa akin.
- JIN
Comments
Post a Comment