June 15, 2016


Ang daming araw na nakasama kita,
Sobrang ikli naman ng oras kahit pagsamahin mo pa,
Hayys, bakit ganon?
Bakit ang bilis ng panahon?

Noon hanggang ngiti lang tayo,
Pero nung medyo tumagal sobrang gaan ng loob ko sayo.
Ewan ko ba,
Pagdating sayo ako’y nag-iiba.

Habang ginagawa ko ito,
Nasa library kami ng mga kaibigan ko,
Sa bawat salita na isinusulat ko,
Naaalala ko yung mga mata mo.

Mga mata mong hindi ko mabasa,
Parang may kakaiba..
Para silang mga… hays ewan ko!
Basta alam ko sobrang importante mo.

Pag katabi kita sobrang daldal ng bibig ko,
Kaya pasensya na kung may nasabi man akong ayaw mo.
Hindi ko alam kung paano kausapin ka,
Hindi ko alam pa’no tignan ka sa mata.

Hindi kita ‘alam mo na’ hahaha!
May kakaiba lang talaga sayo,
Ewan ko ba kung ano,
Napakamisteryo mo.

Tatapusin ko na,
Nahahalata na nila akong hindi nakikinig sa mga kwento nila,
Basta gusto ko lang sabihing…
Mamimiss at hindi kita makakalimutan..Ate.

-Babs

Comments

Popular posts from this blog

Mi Amore

Queen Maria