Posts

Showing posts from 2018

MCDO

Image
Dahil sa mga tanong mo na "Bakit nga ba?", heto na TAYO ngayon. :) Worth it naman yung paghintay mo ng pitong taon diba? Oo, pitong taon kang umaasa, at sa wakas, charaaaaaaan. :) Hehehez! Maraming salamat sa paghihintay mo. Maraming salamat sa pagmamahal na binibigay at pinapadama mo. Maraming salamat kasi palagi mo akong pinapasaya kapag nalulungkot ako. Maraming salamat sa pagbili mo ng pagkain ko kapag nagugutom nako. (Ubos na pera mo ne? hahaha) Maraming salamat sa mga spoken word poetry na sinulat mo. Maraming salamat sa paghatid-sundo mo sakin kapag wala akong masakyan. Maraming salamat sa pag-intindi mo sa tuwing may sumpong ako. Walang hanggang pasasalamat 'to by. Hahahaha! Basta, maraming salamat sa lahat!! :) I'M SO BLESSED AND LUCKY TO HAVE YOU . Punta ka na sa bahay ne? Dala kang pizza!! Mwamwa! Paparapapa, LOVE KO 'TO! 

SKLG

Image
Si Khyzel na maganda. Si Khyzel na sexy. Si Khyzel na magalang. Si Khyzel na kaibigan ko mula first year first semester. Si Khyzel na laging tulog sa klase. Si Khyzel na suki ng library. (Alam na) HAHAHA! Si Khyzel na maaasahan mo kapag may problema. Si Khyzel na one call/chat/text away. Si Khyzel na malakas kumain pero di tumataba. Si Khyzel na mahal na mahal naming magkakaibigan. Siya po yung kaibigan ko na pinaka-tini’treasure ko. Kapag nakilala nyo siya, paniguradong hindi nyo pagsisisihan. (Wooooh, LODI) Hahahaha! Ayun lang po. And I, thank you! :D

June 15, 2016

Ang daming araw na nakasama kita, Sobrang ikli naman ng oras kahit pagsamahin mo pa, Hayys, bakit ganon? Bakit ang bilis ng panahon? Noon hanggang ngiti lang tayo, Pero nung medyo tumagal sobrang gaan ng loob ko sayo. Ewan ko ba, Pagdating sayo ako’y nag-iiba. Habang ginagawa ko ito, Nasa library kami ng mga kaibigan ko, Sa bawat salita na isinusulat ko, Naaalala ko yung mga mata mo. Mga mata mong hindi ko mabasa, Parang may kakaiba.. Para silang mga… hays ewan ko! Basta alam ko sobrang importante mo. Pag katabi kita sobrang daldal ng bibig ko, Kaya pasensya na kung may nasabi man akong ayaw mo. Hindi ko alam kung paano kausapin ka, Hindi ko alam pa’no tignan ka sa mata. Hindi kita ‘alam mo na’ hahaha! May kakaiba lang talaga sayo, Ewan ko ba kung ano, Napakamisteryo mo. Tatapusin ko na, Nahahalata na nila akong hindi nakikinig sa mga kwento nila, Basta gusto ko lang sabihing… Mamimiss at hindi kita makakalimutan..Ate....

HALAGA

Pananahimik, pagninilay, bagbubulay-bulay , Mga bagay na laging nagsasabay, Sa tuwing ako'y malungkot o may lumbay. Bagamat hindi masama kung titignan, Itong ugaling aking taglay, ito nama'y kapuna-puna, Sa mga mata ng mapang-usig, naghihintay. Lagi na lamang kinakikitaan ng butas, Mali, mga puna. Mga puna na hindi lamang sa una, Kundi maging sa paulit-ulit na mga paggawa. Wala naman akong alam na pagkakataong ako sa iyo'y nagkasala, Ngunit bakit parang daig ko pa ang nagsuot ng isang damit na puno ng mantsa. Isang uri ng dumi na kahit gaano pa kaliit ay kitang-kita, Na hindi tulad ng nais ko na iyong makita. Kung sabagay, ako rin tulad ng isang mantsa. Pero bakit ganoon? Bakit ganon?! Bakit ganon?! Bakit hindi mo makita ang aking H-A-L-A-G-A? Dahil ba sa hindi ka-liwanagan ang aking kislap? Hindi tulad ng mga tatak na iniwan niya sa iyong ala-ala? Ala-ala na hanggang ngayon,kapag sumasagi sa aking isip ay napapapikit na lamang at napapaluha. Inaamin ko, ...

Queen Maria

Image
Mabait? Mapagmahal? Masipag? Maganda? (Syempre naman) Magaling magluto. HAHAHA! Nasa kanya na po ang lahat. Siya po ang lola ko. Maria David ang kanyang pangalan. Siya po ang “nanay” ng nanay ko. Sobrang galing nyang magluto. Gusto ko ngang makuha yung talento nya sa pagluluto kaso hindi ako pinalad. Hahaha! Si lola ko na siguro yung lola na hindi makakaalis ng bahay ng hindi naka'make up. Siya yung nag-aayos sa aming mga apo nya tuwing recognition o graduation man. Tuwing may okasyon naman, kahit na mang-utang siya, okay lang basta maipaghanda nya lang kami. Kaya naman mahal na mahal namin siya. July 11, 2016 biglang gumuho yung mundo ko. Summer namin nun, nasa school ako. Noong araw na yun alam ko ipapacheck-up ka lang eh. Madaling-araw nung nag-uusap pa kayo ni nanay. Narinig ko pa yung sinabi mo na "KASAKIT. PARANG DUMADAAN SA BUTAS NG KARAYOM YUNG PAGHINGA KO". Pinipilit kana ni nanay noon na magpunta na sa ospital, pero ayaw mo. Sabi mo 8am pa check...

Mi Amore

Image
Pamilya? Sila ang mga taong palaging nandyan para sa atin, sila ang unang huhubog sa pagkatao natin, ang magtuturo sa atin ng tama sa mali, ang masasandalan kapag tayo ay mayroong problema, higit sa lahat, sila ang taong magmamahal sa atin ng walang kapantay. Heto po ang larawan ng aming pamilya. Hindi man kami mayaman sa mga materyal na bagay, mayaman naman kami sa pagmamahal na ibinibigay ng aming mga magulang.   Oo, minsan nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan pero kaagad naman naming nalulutas ang mga suliraning bumabangon sa aming sambahayan. Sila po ang pinaka'importanteng tao sa buhay ko. Kaya naman habang sila ay nabubuhay, pinaparamdam at sinasabi ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Nagpapasalamat ako ng marami sa ating Panginoong Diyos dahil sila ang ibinigay Niyang pamilya sa akin. - JIN

"KATOTOHANANG HINDI MAITATAGO"

Sa pagbilang ko ng Isa, Dalawa, Tatlo, Laging may karampatang pagkanibugho. Noong una pa lamang ay nasaktan na ako, Pakinggan ang aking pagsasalaysay rito. Hindi ko na matiyak ang petsa kung kailan, Noong una akong nagpaalam sayo tungkol saan? Saan? Sa pagmamahal na aking nararamdaman, Sa pagmamahal na hindi ko itinago magpakailanman, Sa pagmamahal na sa iyo ko lamang inilaan. Ngunit natural lamang hindi ba? Hindi sa lahat ng panahon masusunod ang ating gusto, Hindi sa lahat ng panahon pwedeng maayon sa kung ano ang ating ginusto, Dahil minsan, may mga bagay-bagay na magdadala sa atin sa ating pagkatuto. Oo, natuto ako. Sa aking mga pagkakamali, Biglaang lumabas sa aking mga labi at nasambit ko ang mga katagang " ITIGIL MO NA ITO !" Isa sa mga kahibangang halos ihatid na ako sa umpisa, Sa umpisa ng sukdulang pagka-alipin sa mga pagsubok na naranasan ko. Gusto kong mapag-isa, Ayoko ng kasama. Ako marahil nanghihina na. Ni hi...