Posts

Showing posts from March, 2018

MCDO

Image
Dahil sa mga tanong mo na "Bakit nga ba?", heto na TAYO ngayon. :) Worth it naman yung paghintay mo ng pitong taon diba? Oo, pitong taon kang umaasa, at sa wakas, charaaaaaaan. :) Hehehez! Maraming salamat sa paghihintay mo. Maraming salamat sa pagmamahal na binibigay at pinapadama mo. Maraming salamat kasi palagi mo akong pinapasaya kapag nalulungkot ako. Maraming salamat sa pagbili mo ng pagkain ko kapag nagugutom nako. (Ubos na pera mo ne? hahaha) Maraming salamat sa mga spoken word poetry na sinulat mo. Maraming salamat sa paghatid-sundo mo sakin kapag wala akong masakyan. Maraming salamat sa pag-intindi mo sa tuwing may sumpong ako. Walang hanggang pasasalamat 'to by. Hahahaha! Basta, maraming salamat sa lahat!! :) I'M SO BLESSED AND LUCKY TO HAVE YOU . Punta ka na sa bahay ne? Dala kang pizza!! Mwamwa! Paparapapa, LOVE KO 'TO! 

SKLG

Image
Si Khyzel na maganda. Si Khyzel na sexy. Si Khyzel na magalang. Si Khyzel na kaibigan ko mula first year first semester. Si Khyzel na laging tulog sa klase. Si Khyzel na suki ng library. (Alam na) HAHAHA! Si Khyzel na maaasahan mo kapag may problema. Si Khyzel na one call/chat/text away. Si Khyzel na malakas kumain pero di tumataba. Si Khyzel na mahal na mahal naming magkakaibigan. Siya po yung kaibigan ko na pinaka-tini’treasure ko. Kapag nakilala nyo siya, paniguradong hindi nyo pagsisisihan. (Wooooh, LODI) Hahahaha! Ayun lang po. And I, thank you! :D

June 15, 2016

Ang daming araw na nakasama kita, Sobrang ikli naman ng oras kahit pagsamahin mo pa, Hayys, bakit ganon? Bakit ang bilis ng panahon? Noon hanggang ngiti lang tayo, Pero nung medyo tumagal sobrang gaan ng loob ko sayo. Ewan ko ba, Pagdating sayo ako’y nag-iiba. Habang ginagawa ko ito, Nasa library kami ng mga kaibigan ko, Sa bawat salita na isinusulat ko, Naaalala ko yung mga mata mo. Mga mata mong hindi ko mabasa, Parang may kakaiba.. Para silang mga… hays ewan ko! Basta alam ko sobrang importante mo. Pag katabi kita sobrang daldal ng bibig ko, Kaya pasensya na kung may nasabi man akong ayaw mo. Hindi ko alam kung paano kausapin ka, Hindi ko alam pa’no tignan ka sa mata. Hindi kita ‘alam mo na’ hahaha! May kakaiba lang talaga sayo, Ewan ko ba kung ano, Napakamisteryo mo. Tatapusin ko na, Nahahalata na nila akong hindi nakikinig sa mga kwento nila, Basta gusto ko lang sabihing… Mamimiss at hindi kita makakalimutan..Ate....

HALAGA

Pananahimik, pagninilay, bagbubulay-bulay , Mga bagay na laging nagsasabay, Sa tuwing ako'y malungkot o may lumbay. Bagamat hindi masama kung titignan, Itong ugaling aking taglay, ito nama'y kapuna-puna, Sa mga mata ng mapang-usig, naghihintay. Lagi na lamang kinakikitaan ng butas, Mali, mga puna. Mga puna na hindi lamang sa una, Kundi maging sa paulit-ulit na mga paggawa. Wala naman akong alam na pagkakataong ako sa iyo'y nagkasala, Ngunit bakit parang daig ko pa ang nagsuot ng isang damit na puno ng mantsa. Isang uri ng dumi na kahit gaano pa kaliit ay kitang-kita, Na hindi tulad ng nais ko na iyong makita. Kung sabagay, ako rin tulad ng isang mantsa. Pero bakit ganoon? Bakit ganon?! Bakit ganon?! Bakit hindi mo makita ang aking H-A-L-A-G-A? Dahil ba sa hindi ka-liwanagan ang aking kislap? Hindi tulad ng mga tatak na iniwan niya sa iyong ala-ala? Ala-ala na hanggang ngayon,kapag sumasagi sa aking isip ay napapapikit na lamang at napapaluha. Inaamin ko, ...