"KATOTOHANANG HINDI MAITATAGO"
Sa pagbilang ko ng Isa, Dalawa, Tatlo, Laging may karampatang pagkanibugho. Noong una pa lamang ay nasaktan na ako, Pakinggan ang aking pagsasalaysay rito. Hindi ko na matiyak ang petsa kung kailan, Noong una akong nagpaalam sayo tungkol saan? Saan? Sa pagmamahal na aking nararamdaman, Sa pagmamahal na hindi ko itinago magpakailanman, Sa pagmamahal na sa iyo ko lamang inilaan. Ngunit natural lamang hindi ba? Hindi sa lahat ng panahon masusunod ang ating gusto, Hindi sa lahat ng panahon pwedeng maayon sa kung ano ang ating ginusto, Dahil minsan, may mga bagay-bagay na magdadala sa atin sa ating pagkatuto. Oo, natuto ako. Sa aking mga pagkakamali, Biglaang lumabas sa aking mga labi at nasambit ko ang mga katagang " ITIGIL MO NA ITO !" Isa sa mga kahibangang halos ihatid na ako sa umpisa, Sa umpisa ng sukdulang pagka-alipin sa mga pagsubok na naranasan ko. Gusto kong mapag-isa, Ayoko ng kasama. Ako marahil nanghihina na. Ni hi...